General Luna sa Surigao del Norte, niyanig ng lindol kaninang madaling araw – PHIVOLCS
December 11, 2018

Bago mag-alas-4:00 kaninang madaling araw, niyanig ng magnitude 4.2 earthquake ang General Luna, Surigao del Norte.

Bagamat nangyari ito sa karagatan na may layong 29 na kilometro sa Silangang bahagi ng General Luna, hindi naman nagdulot ng tsunami o pagtaas ng tubig sa dagat.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (PHIVOLCS) nangyari ang lindol dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 14 na kilometro.

Ayon pa sa PHIVOLCS hindi naramdaman sa kalupaan ang pagyanig kaya’t walang naitalang damage at hindi na inaasahan pang magkaroon ng aftershocks.  | ulat ni Rey Ferrer