Hatol kay Imelda Marcos, paalala sa public officials hinggil sa kanilang public accountability – Palasyo
November 09, 2018

Dapat na magsilbing paalala sa lahat ng public officials ang desisyong inilabas ngayon ng Sandiganbayan kontra kay dating First Lady Imelda Marcos.

Kasunod ito ng hatol ng anti-graft court laban kay Marcos na guilty sa pitong counts ng graft na naisampa noon pang 1991 sa Ombudsman.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, katunayan din ito na umiiral ang hustisya sa bansa at walang sinumang kinikilingan.

Dagdag ni Panelo, na kanilang nirerespeto ang naturang desisyon ng korte na walang dudang nagpapakita ng impartial justice system.

Ang 89 na taong gulang na kongresista ay nahatulan ng anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon sa bawat counts ng graft.

Bukod dito’y pinagbabawalan na rin ang dating Unang Ginang na makahawak ng anumang posisyon sa gobyerno.  | ulat ni Alvin Baltazar