Ilocos Gov. Imee Marcos, ayaw magkomento sa hatol ng Sandiganbayan sa kanyang ina
November 09, 2018

Tumangging magbigay ng komento si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa guilty verdict ng Sandiganbayan 5th Division sa pitong kasong graft laban sa kaniyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Ito ang sinabi ng gobernador matapos siyang dumalo sa isang programa sa Trinity University of Asia.

Ito ay kaugnay ng opisyal na pagsasanib ng puwersa ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sarah Duterte at ng Serbisyo ng Bayan Party ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Imee Marcos, hindi pa niya nababasa ang inilabas na desisyon kung kaya’t mahirap magkomento.

Pinangunahan mismo ni Mayor Sarah ang Pledge of Alliance sa mga miyembro ng Serbisyo ng Bayan.

Kabilang sa mga nanumpa ay ang ilang kaalyadong senador na sina Cynthia Villar, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, at ilang kongresista at mga kandidato sa darating na eleksyon.  | ulat ni Rey Ferrer