Kapalaran ng mga napasama sa narco-list na isinapubliko kahapon, ipinapaubaya na sa korte
March 15, 2019

Idinepensa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawa nitong pagbubunyag sa listahan ng mga kabilang sa tinaguriang narco-list.

Sa gitna ito ng batikos kaugnay ng isinagawang pagsisiwalat ng mga politikong umano’y dawit sa illegal drug trade.

Sinabi ng Pangulo na ang trabaho nila’y makahanap ng probable cause na kanilang ipi-presenta sa piskalya laban sa mga isinasangkot sa iligal na droga.

Dapat aniyang intindihin ang salitang “probable” na hindi nangangailangan ng 100 porsiyentong paniniguro para sabihing totoo na ang isang alegasyon sa isang inaakusahan.

Trabaho na aniya ng korte ang timbangin ang mga ebidensiyang iprinisinta sa kanya ng nag-aakusa at inaakusahan at mula doo’y madetermina kung “guilty beyond reasonable doubt” ang respondent.  | ulat ni Alvin Baltazar