Lacson, umaasa na pakikilusin agad ng Pangulo ang kanyang economic managers para tugunan ang panibagong paghataw ng inflation
September 04, 2018

Bunsod ng inaasahang mas malaking problemang kahaharapin ng ekonomiya ng bansa dahil sa inflation, umaasa si Senador Lacson na kakalampagin at pakikilusin na agad ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang economic managers.

Sinabi ni Lacson na mas malaking problema ang kinahaharap ng ating ekonomiya dahil sa nakaambang paghataw ng pagtaas ng presyo ng bilihin o inflation rate sa 6% ngayong Setyembre o kaya ay sa Oktubre.

Una na ring nanawagan si Lacson kay Pangulong Duterte na ibaling nito ang atensyon mula sa kampanya laban sa iligal na droga patungo sa ekonomiya ng bansa.

Para kay Lacson, naibaba na ni Pangulong Duterte ang direktiba ukol sa war on drugs at mainam na ipaubaya na niya ito sa Philippine National Police (PNP) at sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang matutukan na ang  problema sa ekonomiya.  | ulat ni Jojo Ismael