Malacañang, nagpaabot ng pakikidalamhati sa mga naulila ng mga biktima ng mass shooting sa California
November 09, 2018

Nakikiramay ang Malacañang sa mga naulilang mahal sa buhay ng mga biktima ng mass shooting sa Thousand Oaks, California.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, alay ng palasyo ang panalangin para sa mga biktima at kanilang mga kaanak.

Ayon kay Panelo, patuloy na minomonitor ng Philippine Consulate General sa Los Angeles ang mga development sa trahedyang ito at patuloy ang pakikipag koordinasyon sa mga otoridad.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang mga kinauukulan sa mga lider ng Filipino-community roon para malaman kung may iba pang mga kababayan nating Filipino ang nadamay sa insidente.

Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino American na kinilalang si Alaina Punzalan Housely, 18 anyos, isang freshman student, ang kabilang sa mga nasawi. | ulat ni Alvin Baltazar