Malacañang, wala pang maibigay na pahapyaw sa magiging laman ng SONA ng Pangulo sa susunod na buwan
June 12, 2019

Wala pang maibigay na patikim si Presidential Spokesperson Salvador Panelo hinggil sa kung paano posibleng tumakbo ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.

Sinabi ni Panelo, wala pa siyang ideya kung ano ang ilan sa mga posibleng detalye ng SONA ng Presidente partikular na sa kung ano ang posibleng mailambing nito sa mga nasa lehislatura.

Ayaw din ani Panelo niyang pangunahan ang Presidente sa posibleng ilatag nitong agenda sa kaniyang nakatakdang SONA ganundin ang magiging istilo nito sa kanyang pagde-deliver ng mensahe sa taong bayan.

Ito’y sa gitna na rin ng kabatiran ng lahat tungkol sa pagiging spontaneous ng Pangulo sa tuwing ito’y nagsasalita sa madla.

Ang SONA ang venue ng Presidente para iulat ang estado ng bansa taon-taon at mai-presenta sa bayan ang nakalinyang agenda ng pamahalaan sa mga susunod na taon.  | ulat ni Alvin Baltazar