Mayor Sara, masaya sa naging performance ng Davao City Police
August 10, 2018

Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Inday Sara Duterte sa Davao City Police Office (DCPO) sa pagsisikap na gawing ligtas ang lungsod.

Ang pahayag ng alkalde ay kasunod ng pagkapanalo ng DCPO bilang 2017 Best City Police sa ginanap na 117th founding anniversary of the Philippine National Police.

Pinuri ni Mayor Inday ang mga opisyal ng DCPO lalo na si City Director Senior Superintendent Alexander Tagum sa nasungkit na parangal kamakailan ng DCPO kabilang na ang mga tauhan nito sa kanilang di-matatawarang determinasyon na maglingkod sa lungsod.

Nagagalak aniya siya dahil nanalo ang DCPO sa panahon ng kanyang termino bilang alkalde at ang naging tagumpay ng mga ito ay tunay na maipagmamalaki.

Ilan sa mga naging puntos ng DCPO sa nakamit na award ay ang pagkakatala nito ng 28.44 porsyentong pagbaba ng crime volume sa taong 2017 at ang pagkahuli kay Cayamora Maute na naging bahagi ng major accomplishment nito.| Dang Sabdani – DXRP Radyo Pilipinas Davao