MC 57 ng Malacañang, warning sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan – Palasyo
February 11, 2019

Naiinis na ang Pangulong Rodrigo Duterte sa bagal ng ilang infrastructure projects sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, ito ang dahilan kung bakit ibinaba ng Palasyo ang Memorandum Circular (MC) Order No. 57, kung saan pinaaalalahanan ang mga government agency na dapat ay matapos sa target date of completion ang mga proyekto ng pamahalaan.

Ayon kay Panelo, ang memorandum na ito ay dapat na ikunsiderang warning ng mga opisyal na tigilan na ang mga baluktot nilang gawain na nagpapatagal sa proseso ng mga proyekto.

Ayon kay Panelo, bukod kasi sa mga “legal restraint” at “red tape”, isang dahilan rin ang korapsyon kaya nade-delay ang ilang proyekto. Halimbawa aniya ang ilang papel ng mga proyekto na hindi umuusad, dahil mayroon aniyang nag-aantay na mabigyan ng ‘lagay’.

Ayon may Panelo, ito ang dahilan kung bakit mas gusto ng Pangulong Duterte ang magtalaga ng heneral sa pwesto, dahil sa oras aniya na may makitang problema ang mga ito, gumagawa agad sila ng paraan upang maitama ito, hindi tulad ng mga sibilyan na makikipagtalo pa.  | ulat ni Racquel Bayan