Meeting sa Filipino community ng Pangulo sa Japan, isinasapinal pa – DFA
May 24, 2019

Isinasapinal pa sa ngayon ang posibilidad na magkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino sa Japan na makadaupang palad si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pre-departure briefing sa Malacanang kaugnay ng gagawing pagdalo ng Chief Executive sa 25th International Conference on the Future of Asia, inihayag ni DFA Assistant Secretary Meynardo Montealegre na may ginagawa ng preparasyon para makamusta ng Presidente ang Filipino Community duon.

Nagkakaroon na, ani Montealegre, ng arrangement sa ngayon at ginagawa na ang detalye tungkol dito.

Ito na ang ikatlong pagkakataong magtutungo si Pangulong Duterte sa Japan, simula nuong 2016.

Nakatakdang dumalo ang Chief Executive sa annual Future of Asia conference sa Tokyo sa May 30 hanggang 31. | ulat Alvin Baltazar