Mga istambay sa kalye, ayaw nang makitang pakalat-kalat ng Pangulo; PNP, inatasang mahigpit na ipatupad ang direktiba na alisin ang mga tambay sa mga lansangan
June 14, 2018

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang autoridad na tiyaking walang magpapakalat-kalat na mga istambay sa kalsada.

Inihayag ng Presidente ang nasabing direktiba sa harap ng mga bagong promote mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Binigyang diin ng Pangulo na kailangang mahigpit itong maipatupad gayung malamang sa hindi ay may potensiyal na manggulo ang mga tambay sa kalsada.

Sabi ng Presidente, hindi dapat na makita sa lansangan ang mga tambay gayundin ang mga adik at kriminal.

Bilin naman ng Pangulo sa mga tambay, magsiuwi at manahimik sa bahay sa halip na magpakalat- kalat sa lansangan. | ulat ni Alvin Baltazar