Motorcycle riders, hinamon ang mga senatoriables na isama sa kanilang plataporma ang karapatan, kaligtasan ng motorbike riders
February 17, 2019

Hinimok ng mahigit isang libong mga riders mula sa iba’t ibang motorcycle club at organisasyon ang mga kumakandidato sa darating na eleksyon na isama sa kanilang mga plataporma ang riders rights at road safety.

Sa ginaganap na riders assembly sa San Juan City Gym, sinabi ni Don Pangan, tagapagsalita ng Riders of the Philippines, lalagda sila sa isang covenant na susuporta sa sinumang kandidato na magdadala sa kanilang mga agenda sa Kongreso

Nais nila na itaguyod ang karapatan at kaligtasan ng mga riders, pagbalangkas at pagsuporta sa Motorcycle Road Safety Act at ang pag-legalize at regulate sa motorcycle-taxi.

Sinabi naman ni Senator JV Ejercito na walang dahilan para hindi niya suportahan ang concerns ng mga riders.

Gusto lamang niyang makatiyak na dapat sumailalim sa training ang mga riders bago bentahan at magmaneho ng motorsiklo at may alam sa drivers’ education

Ang covenant signing sa pagitan ng mga kandidato at motorcycle riders ay sinaksihan ng mga kinatawan mula sa Land Transportation Office (LTO), PNP Highway Patrol Group at Metro Manila Development Authority (MMDA).   | ulat ni Rey Ferrer