Pag-angat ng trust at approval rating ni PRRD, patunay ng patuloy na tiwala ng taong bayan
January 11, 2019

Patunay na nasa tamang direksyon ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kasunod ng paglabas ng latest survey ng  Pulse Asia, kung saan mula sa 76% ay umangat pa ang trust at approval rating ng Pangulo sa 81%.

Sinabi ni Andanar, na patuloy ang Duterte administration sa pagsasakatuparan ng pangarap ng Pangulo na mabigyan ng komportableng buhay ang lahat, paglaban sa illegal drugs, kriminalidad at korapsyon.

Tiniyak din ni Andanar, na katuwang ang buong gabinete ng Pangulo, ay hindi mananawa ang pamahalaan na tuparin ang mga programang para sa mas nakararami.

Ang mataas na rating ng Pangulo sa mga survey ay sa kabila ng patuloy na batikos ng mga kritiko ng Pangulo. | ulat ni Alvin Baltazar