Pagbawi ng Canada sa kanilang basura sa Pilipinas, bahagyang maaantala – Palasyo
May 16, 2019

Maaantala ang nakatakdang paghakot ng tone-toneladang basura ng Canada na iniwan dito sa Pilipinas.

Sa panayam kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinabi nito na mayroon pa kasing mga kinakailangan at inihahandang dokumento para sa proseso ng paghahakot.

Ayon kay Panelo, kung sandaling pagkaantala lamang aniya, ay rasonable naman si Pangulong Rodrigo Duterte. Ang importante aniya sa kasalukuyan ay committed ang Canada sa pagkuha ng kanilang mga basura, at pagsagot sa gastusin ng shipment nito.

Ayon kay Panelo, paiimbestigahan rin ng Palasyo, kung ano ang nalabag na batas sa usaping ito.

Matatandaan na kahapon sana ang palugit na ibinigay ng Pangulo sa Canada upang bawiin ang kanilang mga basura. | ulat ni Racquel Bayan