Pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nagsasabing bumuti ang kanilang buhay, welcome sa Palasyo
May 24, 2019

Pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nagsasabing bumuti ang kanilang buhay sa mga nakaraang buwan, welcome sa Palasyo

Ikinalugod ng Palasyo ang pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan lumalabas na nasa 38% ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing bumuti ang kanilang kundisyon sa loob ng 12 buwan.

Mas mataas ito kumpara sa 37% na naitala noong December 2018.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang resultang ito ay nangangahulugan lamang na nararamdaman ng mga tao ang ginagawa ng Pangulo para maiangat ang buhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Panelo, isa rin itong wake up call para sa mga kritiko ng administration, maging sa mga maka-kaliwang grupo, at ilang mga taga-oposisyon na hindi kumikilala sa mga nagawa ng Pangulo.

Aniya, ngayong karamihan sa kandidato ng administrasyon ay iniluklok ng taumbayan sa pwesto, makakaasa ang mga Pilipino na mas pagsusumikapan pa ng administrasyon ang pagpatutupad ng mga programa nito para sa mga Pilipino sa natitirang termino ng Pangulo.  | ulat ni Racquel Bayan