Pahayag na “no election” sa 2019 ni House Speaker Alvarez, walang basbas ng Pangulong Duterte – Malacañang
July 12, 2018

Tiniyak ng Palasyo na tuloy at walang makakanselang eleksiyon sa susunod na taon.

Ang garantiya ay ginawa ng Malacañang sa harap na isinusulong na “no election” ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa 2019.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, walang basbas ng Chief Executive ang naging pronouncement ni Alvarez kasabay ng pagtiyak na tuloy ang halalan sa Mayo ng susunod na taon na una na ding tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ni Roque na ang tanging makahahadlang sa pagdaraos ng midterm election ay kung lulusot ang federal constitution bago ang 2029 elections.

Pero hangga’t umiiral aniya ang 1987 Constitution ay walang dahilan para hindi ituloy ang 2019 polls.

Ayon kay Roque, kung ano ang itinatakda ng batas ay iyon ang dapat na sundin, na siya din namang nais ni Pangulong Duterte na kilalang tagapagpatupad ng batas. | ulat ni Alvin Baltazar