Pahayag ng UN leader tungkol sa problema sa iligal na droga, vindication para kay Pangulong Duterte
October 12, 2018

Mistulang vindication para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ni United Nations Secretary General António Guterres, na sadyang nakakaalarma na ang problema ng mundo sa iligal na droga.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, na kumatawan sa Pangulo sa United Nations General Assembly sa New York City kamakailan, maituturing na isang matibay na patunay ang naturang pahayag ng UN Chief na tama ang Presidente sa matagal na nitong sinasabi patungkol sa malalang suliranin, hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo hinggil sa iligal na droga.

Lumalabas ang katotohanang dumadami ang mga lider na nakapag-tatanto kung gaano kabigat ang problema ng daigdig sa ipinagbabawal na gamot.

Hindi nagkamali si Pangulong Duterte ng sabihin nitong hindi lamang ang isang drug addict ang may kinakaharap na problema sa sandaling ito’y magumon sa bawal na gamot, kundi pati na rin ang mga kaanak at kaibigan nito.

Una dito’y sinabi ng lider ng UN, na ang drug addiction ay hindi lamang policy issue kundi ito ay isang personal na laban dahil hindi ito abstract issue lamang. | ulat ni Alvin Baltazar