Palasyo: Hindi lang natutukan ni dating Asec. Mocha Uson ang pangangampanya, kaya di sapat ang boto ng partylist niya
May 16, 2019

Naniniwala si Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo na hindi lang natutukan nang husto ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang pangangampanya, kaya’t hindi nakakuha ng sapat na boto ang kanyang partylist na AA Kasosyo.

Posible rin kasi na nagpakapampante si Uson dahil marami na itong followers sa social media.

Bukod dito, ayon kay Panelo, bago lang rin ang partylist ni Uson, at hindi pa ito masyadong kilala ng mga bontante, kaya’t mahirap talagang makalusot.

Kaugnay nito, naniniwala naman si Panelo na marami pang avenue si Uson upang makapagsilbi sa bayan. | ulat ni Racquel Bayan