Palasyo, may itinalaga nang kapalit ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr. sa Korte Suprema
August 10, 2018

Mayroon nang ipinuwesto ang Palasyo para sa nabakanteng pwesto ng nagretirong si Associate Justice Presbitero Velasco Jr.

Ito ay sa katauhan ni Court of Appeals (CA) Associate Justice Jose Reyes Jr.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, sa Lunes, Agosto 13 na manunumpa si Reyes bilang pinakabagong miyembro ng Supreme Court.

Si Reyes ay pumapang-apat bilang most senior associate justice ng Court of Appeals.

Siya ang nagbaba ng hatol kaugnay ng kontrobersyal na Mile Long Property sa Lungsod ng Makati, pabor sa gobyerno.  | ulat ni Alvin Baltazar