Palasyo, nagkomento sa isang editoryal ng Inquirer
May 15, 2019

Partikular na tinutukoy ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang editoryal na inilabas ng Philippine Daily Inquirer kahapon, kung saan, paksa ang pagtugon ng kalihim sa mga online memes kaugnay sa paglalabas nito ng matrix.

Nakasaad kasi sa column na tila karma kay Panelo ang mga memes online, dahil sa paglalabas nito ng matrix.

Unang-una ayon kay Panelo, ang mga matrix na inilabas ng Palasyo ay upang i-inform ang taumbayan at hindi lituhin ang mga ito, taliwas sa mga memes na lumabas.

Naglipana kasi online ang ilang edited na larawan ni Panelo na nagpapakita na ine-endorso niya ang Otcho Direcho candidates.

Ayon kay Panelo, kinailangan niya itong sagutin dahil misleading ito, lalo na sa mga netizens na madaling maniwala sa mga nakikita at nababasa nila sa internet.

Hindi na rin aniya ikinagulat pa ng Palasyo ang column na ito, dahil tila nakaugalian na ng pahayagan ang pagpapaikot sa mga statement ng Palasyo at ng Pangulo, na nakakasama sa imahe nito. | ulat ni Racquel Bayan