Pangulong Duterte, bukas sa posibilidad na kunin sa asukal ang additional income para sa pamahalaan para masustine ang free education sa mga mag-aaral
June 14, 2018

Hindi inaalis ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging source ang asukal para magkaroon ng dagdag income ang pamahalaan.

Sa talumpati nito sa MOA signing para sa implementasyon ng Republic Act 10931 o Free Higher Education Law, sinabi ng Presidente na sa dami ng kailangang gawin ng pamahalaan gaya ng libreng edukasyon para sa lahat, kailangan talagang may mapagkunan ang gobyerno para dito.

Sa harap aniya ng pagnanais ng kanyang administrasyon na maipagkaloob ang free education sa mga mag-aaral, dapat din namang mapagtanto sa kabilang banda na kukunin ito sa buwis na dapat makolekta.

Pasensiya na sabi ng Pangulo dahil batid niyang paborito ng nakararami ang matamis pero posibleng dito siya kumuha ng karagdagang buwis para masustine ang mga proyekto ng gobyerno.

Katwiran ng Chief Executive, kung gusto natin ng pag-usad sa anumang bagay na may kinalaman sa kaunlaran, malaki ang kinalaman dito ng buwis. | ulat ni Alvin Baltazar