Pangulong Duterte, dadalo sa 33rd ASEAN Summit sa Singapore
November 09, 2018

Magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Singapore sa susunod na linggo upang dumalo sa 33rd ASEAN Summit and Related Summits.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Juniver Mahilum West, na inaasahang mapag-uusapan sa summit ang isyu tungkol sa South China sea, Korean peninsula gayundin ang trafficking in persons, disaster management at ang illegal drugs.

Makakasama ng Pangulong Duterte sa summit ang iba pang leader gaya ni Chinese President Xi Jin Ping, na maaaring magkaroon ng posibilidad na makausap ng Pangulo sa sidelines ng event.

Hindi naman makakarating sa summit si US President Donald Trump at sa halip, siya ay kakatawanin ng kanyang bise presidente na si Mike Pence.

Sa kabilang dako, ay kumpirmado namang makakadalo si Russian President Vladimir Putin sa ASEAN Summit na gaganapin sa November 13 hanggang 15.

Dadalo din ang mga lider ng bansang India, Australia, Japan sa nasabing event. | ulat ni Alvin Baltazar