Pangulong Duterte, isinulong sa ABAC ang proteksiyon ng mga negosyanteng nasa hanay ng MSMEs
November 18, 2018
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalakas sa hanay ng mga nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa harap ng nagpapatuloy na digitalization sa larangan ng pagnenegosyo.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa harap ng APEC leaders kaugnay ng ginawang partisipasyon ng Presidente sa APEC business advisory Council(ABAC).

Dagdag ni Lopez, na ipinursige din ng Presidente sa nabanggit na diyalogo na kailangang maprotektahan ang nasa hanay ng MSMEs.

Bahagi nito ang mabigyan ng kaukulang training o pagsasanay ang mga kinauukulan upang makasabay sa digital world sa gitna ng makabagong pamamaraan hinggil sa trading.

Kaugnay nito’y sinabi ni Lopez, na sa Pilipinas ay gagawin nila ang pakikipag-ugnayan sa TESDA para mailakip sa mga vocational course ang tungkol sa digitalization. | ulat ni Alvin Baltazar