Pangulong Duterte, wala pang desisyon kung hihirit uli ng martial law extension
December 06, 2018

Wala pang pasiya ang Pangulong Rodrigo Duterte kung susundin o hindi ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para palawigin ang batas militar sa Mindanao.

Sabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinag-aaralan pa rin sa ngayon ng Punong Ehekutibo ang rekomendasyon.

Bubuksan aniya niya ang usapin sa Pangulo kapag sila ay nagkita.

Binigyang-diin din ni Panelo na sakaling katigan ng Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng AFP at PNP ay Kongreso pa rin ang pinal na magdedesisyon kung papayagan o hindi ang extension ng martial law.

Matatandaan na sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na gagawa pa ng written recommendation ang Pangulong Duterte para isumite sa Kongreso na siyang magdedesisyon sa usapin.  | ulat ni Alvin Baltazar