Para mas mapabilis pa ang disaster response operations, DSWD at isang malaking foundation magsasama na – DSWD Sec. Orogo
August 21, 2018

Magiging opisyal na katuwang na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 
Philippine Disaster Resilience Foundation, Inc. sa pagpapatupad ng disaster response operations sa panahon ng kalamidad.

Kasunod nito ang paglagda ng DSWD at ng foundation sa isang memorandum of agreement na nagpatibay sa kanilang ugnayan.

Mahalaga aniya ang ugnayan ng ahensiya sa pribadong sektor lalo na sa disaster reconstruction initiatives nito kung saan ang grupo ay matagal nang tumutulong sa mga disadvantaged population.

Binigyang-halimbawa nito ang pagtulong ng foundation sa disaster operations ng DSWD sa delivery ng food packs sa mga pamilyang naaapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Bicol pananalasa ng bagyo sa Pampanga at Pangasinan gayundin sa Marawi City.

Ang foundation ay mayroong 84 na umbrella organization mula sa mga pribadong korporasyon.

 | ulat ni Rey Ferrer