Prangkisa ng PHILCOMSAT, pinalawig ni Pangulong Duterte
March 15, 2019

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang renewal ng prangkisa ng Philippine Communication Satellite Corporation (PHILCOMSAT).

Sa pamamagitan ng Republic Act 1126 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Pebrero 22, pinapalawig nito ang prangkisa ng PHILCOMSAT ng hanggang 25 taon.

Nangangahulugan ito na mananatiling ang PHILCOMSAT ang magtatayo, magmimintina at mag-ooperate sa equipment at facilities, para sa international at domestic communication ng bansa sa susunod na mahigit dalawang dekada.

Naging major supplier ang PHILCOMSAT ng international circuits para sa iba pang telecommunication firms sa bansa gaya ng PLDT.

Sa panahon ng Marcos administration nabuo ang PHILCOMSAT, partikular noong 1966 sa pamamagitan ng isang joint venture sa pamahalaan at noong 1968, dito na nagsimulang maging bahagi ang Pilipinas sa worldwide communications satellite network. | ulat ni Alvin Baltazar