Priority bills ng administrasyon, mas mabibigyang pansin na ng upper chamber – Palasyo
May 16, 2019

Kumpiyansa ang Palasyo na magkakaroon ng mas maraming oras ang mga senador upang matalakay ang mga naantalang panukalang batas na isinusulong ng Duterte administration.

Kasunod na rin ito ng pagpasok sa top 12 ng mayorya ng mga senatoriable na inindorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung dati-rati, ayon kay Panelo, ay laging gahol sa panahon ang mga senador para talakayin ang mga priority bill ng administrasyon, ngayon aniya’y malaki na ang pagkakataong ito’y agad na mabigyang pansin ng mga mambabatas.

Giit ng Palace spokesperson, nailatag na ni Pangulong Duterte ang lahat ng programa ng gobyerno na nais nitong ipatupad, kaya’t hindi na aniya ito magiging mahirap para sa mga bago at mga dati nang nakaupong senador. | ulat ni Alvin Baltazar