PRRD, ikinagalit ang pagbangga ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Pinoy sa Recto bank
June 13, 2019

Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang insidente ng vessel collision ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, galit ang Pangulo nang mabatid ang naturang insidente.

Naghain na aniya ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest ngayong araw upang iprotesta ang nangyari sa mga mangingisdang Pinoy.

Aniya, sinadya man o aksidente, isang kaso man ito ng bullying o hindi, ang malinaw ay isa itong barbaric act at hindi sibilisado sa panig ng Chinese fishermen ang pag-abandona ng mga ito sa mga mangingisdang Pilipino.

Binigyang diin pa ni Panelo na mariing kino-kondena ng Malacañang ang pangyayari.

Pinaiimbestigahan na rin ng bansa sa China ang insidenteng ito. | ulat ni Racquel Bayan