PRRD, pinuri ni Iloilo Rep.-elect Garin sa mabilis na aksyon sa PhilHealth controversy
June 13, 2019

Pinuri ni Iloilo Representaive-elect Janette Garin ang mabilis na aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) controversy.

Umaasa si Garin, na ang aksyong ito ng Pangulo ay magpapanumbalik sa normal na operasyon ng korporasyon.

Sinabi ni Garin, dating health secretary, na noon pa man ay nagsagawa na siya ng mga kinakailangang reporma sa PhilHealth sa tulong ng mga opisyales nito ngunit hindi nagpatuloy.

Ayon sa Iloilo solon, ang PhilHealth controversy ay indikasyon lamang ng kakulangan ng safeguards sa patakaran ng korporasyon.

Naniniwala si Garin, na ang political will ng Pangulo ang susi sa tunay at permanenteng reporma sa PhilHealth. | ulat ni Rene Tichangco