PRRD, posibleng maglabas ng EO para sa incentives sa economic activities sa labas ng NCR
June 13, 2019

Posibleng maglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order para sa pagbibigay ng incentives sa mga negosyo sa labas ng Metro Manila.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kasunod ng pag-apruba ng gabinete sa mosyon upang paboran ang naturang suhestiyon.

Matatandaan na sa ika-38th cabinet meeting, nirekomenda ng Cabinet cluster on Climate Change, Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction ang incentives, bilang paraan para ma-decongest o mabawasan ang populasyon sa Metro Manila.

Ito ay bilang paghahanda sa posibilidad ng pagtama ng The Big One o ang magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila.

Hindi naman idinetalye ni Panelo ang patungkol sa incentives, pero nakikita raw itong isang solusyon para mahikayat ang economic activites sa labas ng rehiyon. | ulat ni Racquel Bayan