Publiko, pinapayuhang mag-ipon ng tubig dahil sa maintenance works ng Maynilad ngayong Semana Santa
April 15, 2019

Magiging sunud-sunod ang maintenance works ng Maynilad ngayong Semana Santa, kaya’t pinapayuhan ang publiko na agad mag-ipon ng tubig.

Pasisimulan bukas, Abril 16 ang pagkumpuni at pagsasaayos ng linya o pasilidad ng Maynilad hanggang sa Sabado, April 20.

Ito ay magreresulta sa limang oras na pagkawala ng tubig hanggang tatlumpung oras, sa ilang lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad.

Ang maaapektuhang lugar ay ilang bahagi ng Maynila, Quezon City, Parañaque, Pasay, Las Piñas, Malabon, Navotas, Valenzuela City at Bacoor Cavite.

Apatnapung water tanker naman ang ide-deploy upang makatulong sa panahon ng water interruption. | ulat ni Tess Ramirez