Remedios Romualdez, Agusan del Norte, niyanig ng lindol kanina — PHIVOLCS
May 21, 2019

Pero bago yan, niyanig din ng lindol ngayong alas-5:46 ng umaga ang Cortes sa Surigao del Sur.

Magnitude 4 earthquake ang naramdaman sa lalawigan na ang epicenter ay natunton sa layong 14 na kilometro sa kanlurang bahagi ng Cortes.

Wala namang naiulat na pinsala sa nangyaring lindol kanina.

Sunod-sunod na nakakaranas ng may kalakasang lindol ang ilang bahagi ng bansa.

Bandang alas-3:12 kaninang madaling araw ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o PHIVOLCS ang magnitude 4 earthquake sa Agusan del Norte.

Ang epicenter ay may layong 25 kilometro sa Silangang bahagi ng Remedios, Romualdez.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 13 kilometro.

Naramdaman ang intensity 1 sa Ginoog City.

Bago ito, niyanig naman ng magnitude 4.7 ang South Ubian, Tawi-Tawi dakong alas-10:12 kagabi.

Sa bahagi ng Celebes sea ang sentro ng pagyanig.

Halos magkasunod ding niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.3 ang Palimbang, Sultan Kudarat at magnitude 4.5 ang Pagudpod, Ilocos Norte kahapon ng hapon.

Pinakamalakas na naramdaman ang intesity 4 sa Pagudpod, Ilocos Norte at intensity 3 sa Bangui, Burgos at Pasuquin.

Naramdaman din ang lindol sa Laoag City at Sinait, Ilocos Sur at Claveria, Cagayan.

Ang lindol sa Ilocos Norte ay aftershock pa rin ng nangyaring malakas na magnitude 5.4 earthquake noong Mayo 6, 2019.  | ulat ni Rey Ferrer