Resulta ng pag-aaral ng Ateneo at La Salle tungkol sa ‘war on drugs’ ng administrasyon, pinalagan ng Malacañang
June 27, 2018

Hindi sinang-ayunan ng Malacañang ang resulta ng naging pag-aaral ng Ateneo de Manila University at De La Salle University na tanging ang mga mahihirap, lalaki at nanlaban lang ang napapatay sa mga kinakasang anti-drug operation ng pamahalaang Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dapat ay matibay ang batayan ng pag-aaral ng dalawang unibersidad kung totoo ngang sa ‘war on drugs’ napatay ang mga ito.

Hindi rin aniya tama na sa mga ulat lang ng media dinepende ng Ateneo at La Salle ang kanilang pag-aaral.

Una dito, iginiit na rin ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na walang pinipili ang laban kontra iligal na droga ng mga autoridad. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion