Resumption ng 17th Congress sa Lunes, pinaghahandaan na ng ilang mambabatas
May 16, 2019

Naghahanda na ang ilang kongresista sa resumption ng 17th Congress sa Lunes, para maitulak ang pagpasa ng ilan pang hakbanging nakabinbin sa Kongreso para maging mga batas.

Inaantabayanan din ng mga mambabatas ang pagpapatibay ng mga hakbanging ipinadala na sa Tanggapan ng Pangulong Duterte, para malagdaang bilang mga batas.

Ayon kay House Assistant Majority Floor Leader Bernadette Herrera Dy, apat pang panukalang batas ang itinulak nila para ganap na maging batas.

Kabilang dito ang mga hakbanging magpapatatag sa 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Magna Carta for the Poor, at Anti-Gender-Based Sexual Harassment Act.

Sa panig ni Senior Citizens Party-list Rep. Francisco Datol, itutulak nilang maging batas ang full operation ng National Commission for Senior Citizens at Treatment of the Elderly sa mga tahanan at pamayanan.  | ulat ni Rene Tichangco