Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.1 earthquake
September 14, 2018

Niyanig ng magnitude 5.1 earthquake ang Sarangani Davao Occidental kaninang alas-12:49 o bago mag-ala-una ng madaling araw kanina.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (PHIVOLCS) natunton ang sentro ng lindol sa 406 km, Silangang bahagi ng Sarangani.

May lalim itong 162 kilometers at tectonic o paggalaw sa ilalim ng lupa ang pinagmulan nito.

Ayon pa sa PHIVOLCS, hindi ito naramdaman sa ibang lugar dahil nasa bahagi na ng Celebes Sea ang pinagmulan ng pagyanig at malayo sa lupa.

Wala ding inilabas na tsunami alert ang PHIVOLCS at tiniyak na hindi na magkakaroon pa ng aftershocks. | ulat ni Rey Ferrer