Sen. Gordon, nagpasalamat kay PRRD sa pagsasabatas ng “Agri-free Patent Reform Law”
March 15, 2019

Pinasalamatan ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabatas ng “Agri-free Patent Reform Law”.

Sa ilalim ng RA 11231 o Agri-free Patent Reform Act, may access na ang mga mahihirap na magsasaka na dagdagan ang kanilang ani.

Sa ilalim ng batas, ang mga land grant sa mga Pinoy farmer na 30 taon nang sinasaka at binabayaran ang buwis ng lupa, ay maaari nang ipasa ang property sa kanilang mga anak o gamitin itong collateral sa iba pang negosyo na nais nilang pasukin.

Ayon kay Gordon, dahil sa mga restriction na nakasaad sa Public Land Act kaya non-tradable at non-bankable ang mga sinasakang lupa ng mga Pinoy farmer.

Dagdag pa ni Gordon, dahil sa nilagdaang batas ng Presidente, mas lalawak ang oportunidad ng magsasaka at inaasahang mababawasan ang kahirapan sa kanayunan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes