Sen. Poe: Pantawid Pasada cards, dapat madaliing ipamahagi ng DOTr 
February 11, 2019

Hinikayat ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na ipamahagi na ang fuel subsidy sa driver-beneficiaries nito.

Ayon kay Poe, kalahati lamang ng 170,000 ng mga benepisyaryo ng subsidy cards ang nabigyan. Ibig sabihin aniya, P977 million pa mula sa pondo ng 2018 ang hindi nagagalaw.

Ang fuel subsidy ay tulong sa mga drivers sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petroyo dahil sa TRAIN law.

Ayon sa mambabatas, nasa 47% lamang ang success rate ng proyekto ng gobyerno.

Dapat aniya, magkaroon ng epektibong mekanismo ang DOTr para masolusyunan ang mga delay.

Dagdag ng mambabatas, dapat ng humingi ng tulong ang DOTr sa iba pang ahensiya ng gobyerno para mapabilis ang pamamahagi ng Pantawid Pasada cards.

Sa ilalim ng TRAIN law, mas mataas na ang fuel subsidy ngayong taon na P20,500 kumpara sa P5,000 noong nakaraang taong 2018. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes