Sen. Sotto, pabor na pangalanan ang celebrities na parokyano ng drug pushers
March 15, 2019

Pabor si Senate President Vicente Sotto na pangalanan na rin ang mga celebrity na parokyano ng mga bigtime drug pusher.

Ayon kay Sotto, kung galing sa mga pusher ang listahan ng mga artista na bumibili sa kanila ng ilegal na droga, ay validated ang impormasyon.

Sa ginawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakailan, dalawang pangalan ng artista ang lumalabas na parokyano ng napatay na bigtime party drug dealer.

Kailangan malaman ayon kay Sotto ang mga artista na suki ng mga drug lord sa paggamit ng ecstacy.

Magugunita na kagabi ay listahan naman ng pulitiko na sangkot sa ilegal na droga ang isinapubliko ng MalacaƱang. | ulat ni Melany Vladoz-Reyes