Special economic zone at freeport, planong itayo sa Ilocos Norte
April 16, 2019

Umaasa ang Kamara na maihahabol pa para maging batas ang House Bill No. 9095.

Layunin ng hakbangin na maitatag ang isang special economic zone at freeport sa Ilocos Norte.

Ipinasa na ito ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.  Layunin din nito na hikayatin, isulong at pasiglahin ang isang balanseng pag-unlad ng industriya, ekonomiya at lipunan.

Gayundin ang paglikha ng trabaho sa mga lalawigan at makahikayat ng mga banyagang pamumuhunan.  | ulat ni Rene Tichangco