Trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa Mt. Province, sinuspindi
October 29, 2018

Idineklara na ni Mountain Province Governor at Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Chairman Bonifacio Lacwasan, Jr. ang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Mountain Province.

Ayon sa Executive Order No. 34,s. 2018 na pinirmahan ni Lacwasan, ang suspensiyon ng klase at trabaho ay mula bukas hanggang Miyerkules.

Ito’y upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan sa panahon ng bagyong Rosita.

Hindi kasali sa suspensiyon ng trabaho ang mga tanggapan na nangangasiwa ng disaster risk reduction and management.

Naka-red alert na rin ang PDRRMC simula ngayong araw dahil nasa storm warning signal number 2 na ang Mountain Province.   | ulat ni Dona Kawis- Balio