Tumataas na bilang ng dengue cases sa Baybay, Leyte, tinututukan ng Philippine Red Cross
August 10, 2018

Umabot na sa 308 kaso ng dengue ang naitala ng Philippine Red Cross sa Baybay, Leyte.

Ito ang kinumpirma ni Carla Dadulla, National Field Representative ng Health Services na sa loob ng apat na linggo sa buwan ng Hulyo, nakapagtala na ang PRC ng tatlong kaso ng pagkamatay dahil sa sakit na dengue.

Kaugnay nito, mas pinaigting na ng PRC ang pakikipagtulungan nito sa mga ospital para sa emergency na pangangailangan.

Pinasisigla na rin ng Red Cross Chapters ang kanilang kampanya tungkol sa prevention and control ng mga kaso ng dengue sa lugar.

Maliban sa dengue, tinututukan na din ng PRC ang leptospirosis na mayroon ng 177 naitalang kaso.

Sa buwan ng Agosto lamang, labimpitong mga kaso ang naitala sa Malabon, Mandaluyong, Navotas, Paranaque, Taguig at Quezon City.  | ulat ni Rey Ferrer