Unang araw ng filing ng Certificates of Candidacy, pangkalahatang mapayapa — PNP
October 12, 2018

Naging pangkalahatang mapayapa ang unang araw ng filing ng Certificates of Candidacy (COC) ayon sa Philippine National Police (PNP).

Inihayag ni PNP Spokesperson CSupt. Benigno Durana, na walang natanggap na ulat ng karahasan sa buong bansa ang PNP National Operations Center.

Ayon kay Durana, patuloy nilang mino-monitor ang mahigit 7,000 hotspots sa buong bansa na karamihan ay mga baranggay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Kasabay nito ang pag-monitor ng PNP sa 77 active armed groups at 266 na inactive armed groups na maaaring mag-sideline bilang gun-for-hire ng mga politiko sa halalan.

Sinabi naman ni Durana na handang bigyan ng proteksyon ng PNP ang mga incumbent at non-incumbent na tatakbo sa halalan, basta’t makapagsumute sila ng request na may kumpletong requirements.  | ulat ni Leo Sarne