Unity Walk at Peace Covenant, isasagawa bukas sa Calamba, Laguna
March 15, 2019

Magdadaos bukas ng umaga ng isang Unity Walk at Peace Covenant sa isang Ugnayan ng Simbahan at Pulis (USAP) para sa Pilipinas, para sa malaya, makatotohanan at mapayapang 2019 midterm elections sa Calamba, Laguna.

Mula sa San Jose Hospital, Brgy. Mayapa patungo sa Camp BGen Vicente P Lim Grandstand, Calamba City ang nasabing Unity Walk.

Alas-singko pa lamang ng umaga bukas ay lalakad na ang grupo na binubuo ng iba’t-ibang sektor at mga mismong kandidato sa lalawigan.

Ito ay pangungunahan ng Police Regional Office personnel, Commission on Elections Region 4A, Department of the Interior and Local Government 4A, National Police Commission 4A, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection 4A, Bureau of Jail Management and Penology 4A, academe, government agencies at religious sector. | ulat ni Ariel Fernandez