100% na operasyon ng mga establisimyento para sa fully vaxxed na indibidwal, patuloy na ipinapanawagan
By Kathleen Jean Forbes - October 14, 2021 , 1:25 pm

Isa pang mambabatas ang nanawagan na pahintulutan na ang 100% operation ng mga establisimyento para sa mga fully-vaccinated individuals.

Ayon kay Deputy Speaker Marlyn Alonte, nasa mahigit 21 million na Pilipino na ang nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna at patuloy ring tumataas ang bilang na ito.

Bunsod nito, dapat ay hayaan na ang local stores, shops, offices, at factories na magbukas at tumanggap ng mga fully vaccinated customers.

Kailangan lamang tiyakin na patuloy na magsusuot ng face mask dahil na rin sa banta ng Delta variant.

Iminungkahi rin ng kongresista na hayaan ang mga local government unit na magkaroon ng sariling minimum public health standards na nakabase pa rin sa Inter-Agency Task Force (IATF) policies na hihimok sa mga local business na magbukas na para sa mga bakunado at hindi pa bakunadong indibidwal.

YOU MIGHT ALSO LIKE