12% VAT sa LPG at gasolina, pinaaalis na ng isang partylist group
By Kathleen Jean Forbes - October 7, 2021 , 10:24 am

Itinutulak ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na tanggalin ang 12 percent Value Added Tax sa mga produktong petrolyo.

Ito’y upang maibsan ang epekto ng malakihang taas-presyo sa LPG at langis na ipinatupad ngayong linggo.

Aniya ang sunud-sunod na taas presyo ng mga produktong petrolyo, ay magdudulot ng domino effect sa presyo ng mga batayang bilihin.

Sa panukalang House Bill 481, gagawing exempted sa VAT ang mga produktong petrolyo gaya ng langis at LPG.

Paliwanag ng kinatawan kung maaalis ang 12 percent VAT ay makakatipid ang mga konsyumer ng mahigit P100 sa kada tangke ng gasul, lalo’t papalo sa P1,000 kada tangke ang presyo ng LPG kasunod ng 2 tranche ng taas-presyo.

YOU MIGHT ALSO LIKE