15 panukala, inaprubahan ng House Committee on Health sa kanilang unang organizational meeting ngayong 18th Congress 
By Kathleen Jean Forbes - August 14, 2019 , 4:21 pm

Aprubado agad sa committee level ang 15 panukalang batas na may kaugnayan sa pagpapabuti ng health care services sa bansa.

Sa unang organizational meeting ng House Committee on Health ngayong 18th Congress, in-invoke ng mga committee members ang Section 48 ng House Rules, kung saan, ang mga panukala na pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang Kongreso, ay kailangan na lamang dumaan sa isang hearing at saka isasalang sa plenaryo.

Unanimous ang naging desisyon ng komite, na pinamumunuan ni Quezon 4th District Representative Angelina Tan, na i-consolidate at ipasa ang limang legislative measures at 10 local bills.

Kabilang dito ang Renal Replacement Therapy for patients with End Stage Renal Disease, Rationalization of DOH Bed Capacity, at Expanding the Coverage of Mandatory Basic Immunization Program.

Sumalang din ngayong araw sa unang deliberasyon ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng Malasakit Centers sa buong bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE