!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
2020 GDP target, maaabot sa kabila ng banta ng COVID-19 
By Racquel Bayan - February 14, 2020 , 4:40 pm

Positibo ang Palasyo na magagawa pa rin ng pamahalaan na abutin ang 2020 gross domestic product (GDP) growth target na 6.5 percent, sa kabila ng usapin sa Corona Virus Disease-19 (COVID-19).

Sa press briefing ng Laging Handa sa Malacañang, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na kahit pa inaasahan na magkakaroon ng epekto ang COVID-19 sa global economy, posible pa rin ang 6.5 percent GDP growth sa pagtatapos ng 2020, lalo at kadalasan short-lived lang naman ang epekto nito, at karaniwang sa first quarter lamang ng taon nararamdaman.

Ayon kay Secretary Nograles, base sa karanasan ng Pilipinas, madaling nakakabangon ang ekonomiya ng bansa gawa ng matatag na domestic demand at produksiyon nito.

Inihalimbawa ng kalihim ang GDP growth para sa kabuuan ng 2019, sa kabila aniya ng global trade wars at geopolitical tensions, nagawang makapagtala ng bansa ng 5.9 percent na GDP growth, dahilan kung bakit naging isa ang Pilipinas sa fastest- growing economies sa Asya.

Positibo rin aniya ang export performance ng bansa noong Disyembre, na nasa +21.4 percent.

Dahil dito, malinaw aniya na magpapamalas ng strong recovery ang bansa sa pansamantalang epekto ng COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE