Anim na bagong general overhauled light rail vehicles, tumatakbo na sa linya ng MRT-3
By Rey Ferrer - February 23, 2021 , 11:31 am

Nagsimula nang bumiyahe ang anim na general overhauled light rail vehicles (LRVs) sa linya ng MRT-3 bilang karagdagan sa unang tatlong LRVs na tumatakbo na sa main line.

Ang kabuuang siyam na general overhauled LRVs sa linya ay makatutulong sa pagpapataas ng kapasidad ng mga tren na magsakay ng mga pasahero.

Sa ngayon ay mayroon nang 66 na LRVs ang operational, samantalang 20 CKD train sets at isang Dalian train set ang tumatakbo sa linya.

Sa kasalukuyan, nakapagsasakay ang MRT-3 ng 30% passenger capacity na may katumbas na 124 kada bagon o 372 na pasahero kada train set.

YOU MIGHT ALSO LIKE