Asian Hospital, nakapagtala ng 3 patient recoveries mula sa COVID-19
By Hajji Kaamiño - April 1, 2020 , 7:58 am

Inanunsyo ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City na nadagdagan ng tatlong pasyente ang gumaling mula sa coronavirus disease (COVID-19) at nakalabas na ng pagamutan.

Sa isang statement, sinabi ng ospital na bagama’t tumataas kada araw ang bilang ng kaso ng COVID-19 ay nakapagtala na sila ng kabuuang walong pasyente na naka-recover.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na panatilihin ang ginagampanang papel para hindi na kumalat ang virus sa pamamagitan ng wastong hygiene, social distancing at pananatili sa tahanan.

Sa kasalukuyan ay 29 ang COVID-19 patients na naka-admit sa Asian Hospital and Medical Center at 35 persons under investigation.

Labimpito sa mga ito ay nasa intensive care unit o ICU.

Samantala, 11 indibidwal na ginamot sa naturang ospital ang naitalang namatay dahil sa COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE