!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Chinese nationals na posibleng gamitin ang POGO para sa kanilang money laundering activity, babantayan ng pamahalaan — Palasyo
By Alvin Baltazar - August 14, 2019 , 2:49 pm

Tiniyak ng Palasyo na hindi magsisilbing kanlungan ang Pilipinas ng mga dayuhang may kinalaman sa money laundering activities.

Ito’y sa gitna ng paglakas ng Philippine Online Gaming Operations sector o POGO na karamihan sa mga nagpapatakbo ay Chinese nationals.

Ayon kay Chief Legal Counsel at Spokesperson  Salvador Panelo, may ginagawang monitoring ang mga kinauukulang ahensya tungkol dito, ganundin sa iba’t ibang mga posibleng paglabag, na maaaring gawin ng mga dayuhan na may kinalaman sa ating umiiral na immigration laws.

Pagtiyak ni Panelo, daraan sa kaukulang pag-uusig ang sinumang dayuhang sangkot sa money laundering, sa gitna ng lumalakas na POGO industry.

Saklaw din ng gagawing paghabol ng pamahalaan ay ang illegal recruiters na nagdadala ng mga magta-trabaho para sa Philippine offshore gaming operations.

YOU MIGHT ALSO LIKE